Baliktarin ang tatsulok

Isang discussion guide para sa SONA 2024 video playlist ng Mayday Multimedia.


Part 1: Busabos na kasalukuyan

Kalagayan ng mga manggawa sa dalawang taon ni Marcos Jr. kasama ang kwento ng mga manggagawa sa Luenthai at sa Nexperia.


PART 2: MGA BINHI NG PAGLABAN

Pagpupundar ng lakas ng mga manggagawa at mga batayang sektor ng lipunan sa kabila ng krisis at pasistang atake ng Marcos Jr. administration.


PART 3: PANININGIL

Ang tunay na kalagayan ng mga Pilipino at ang ating tungkulin sa darating na SONA 2024.

PART 1: BUSABOS NA KASALUKUYAN


Themes: Garments and Electronics workers, tanggalan (forced retrenchment), forced leave, economic crisis, import-dependent export-oriented economy, union repressionNakikita ito sa mga malawakang tanggalan sa malalaking pabrika tulad ng Luenthai sa Bataan at Nexperia sa Laguna na ibinida sa unang dalawang video. Bagamat magkaiba ang kanilang mga produkto na garments at semiconductors, mahihinuha sa mga kaso nila ang masahol na epekto ng trade wars ng US at China sa manggagawang Pilipino. Nalalagay sa peligro ang kanilang kabuhayan at karapatan, samantalang mababa na nga ang kanilang sahod dahil sa Wage Rationalization Law na nagtatakda ng magkakaibang antas ng sahod sa lahat ng mga rehiyon at dahil sa iskemang kontraktwalisasyon na maya't maya'y nag-eendo ng manggagawa pagsapit ng 5 buwan.Sinasamantala ng ibang mga dayuhang kumpanya ang mga kontra-manggagawang patakaran lalong pagkakitaan ang murang presyo ng paggawa sa Pilipinas. Kapag may nag-oorganisa naman o nagtatangka pa lamang, sila ay sinusugpo kaagad. Walong taon nang tinutugurian ang bansa bilang isa sa pinakamapanganib para sa mga manggagawa dahil sa dami ng mga kaso ng hindi pagsunod sa basic labor standards at, sa sukdulan, pagpaslang sa mga unyonista at organisador. Madali lamang nababaluktot ng mga imperyalista ang mga polisiya at kasunduan dahil sa mababang antas ng manupaktura at agrikultura ng Pilipinas. Kung may mga sarili tayong pagawaan ng garments at electronics na lumilikha ng mga buong produkto para sa mamamayang Pilipino, hindi natin kakailanganing umasa sa ibang bansa para sa maunlad na produksyon.Bagaman wala pang hudyat ng mga lokal na industriya sa hinaharap, isa ito sa mga pinaglalaban ng mga manggagawa, kaakibat ng nakabubuhay na sahod, seguridad sa trabaho, at kalayang mag-unyon.Questions:
1. Ano ang tinatawag na "race to the bottom" ? Ano ang imperyalistang agenda sa tanggalan?
2. Nasaan ang gobyerno sa panahon ng mga ganitong tanggalan?
3. Bakit nasa interes ng kapitalista ang pagtanggal sa mga unyonista?
4. Bakit mahalaga makiisa ang manggagawa't mamamayan sa laban ng Nexperia?

PART 2: MGA BINHI NG PAGLABAN


Themes: Platform work, sama samang pagkilos, basic labor rights, employer-employee relationshipTulad ng mga manggagawa sa digital platforms at iba't ibang empresa na tampok sa ikatlo at ikaapat na video, marami ang naiipit sa mga trabahong walang katiyakan. Napapangibabawan nila ang mga kondisyon na humahadlang sa kanilang pagsama-sama dahil sa mulat na pagbubuklod ng mga manggagawa para isaboses ang kanilang mga hinaing. Ang tanging sigurado ay ang pagkamit ng pagbabago sa hakbang-hakbang pero walang humpay na pag-oorganisa at pagkilos para maigiit ang kanilang dignidad at mga karapatan bilang manggagawa. Mahirap at matagal itong proseso, lalo na sa mga kontraktwal at rider na tinataniman ng kaisipan na hindi sila mga empleyado. Pero sa pagpapalalim ng suri sa mga kalagayan, tiyak na ito rin ay kayang mapangibabawan.Isa lamang ang krisis sa mga nag-uudyok sa mga manggagawa na umalpas. Sa huli, ang mapagpasya pa rin ay ang kagustuhan nilang lumaban para sa nararapat at baguhin ang mapanupil at mapanlinlang na sistema kasama ang buong sambayanan.Questions:
1. Paano naiiba ang mga manggagawa sa platform work at mga manggagawa sa pabrika katulad ng Luen Thai at Nexperia?
2. Ano ang mga karapatan na hindi natatamasa ng platform riders: occupational health and safety, social protections, karapatan sa unyon, freedom of association, right to bargain.
3. Ano ang iba't-ibang anyo ng sama-samang pagkilos?

PART 3: PANININGIL


Sa nagbabadyang makadayuhang Charter Change ni Marcos Jr., tila lahat ng mga kasalukuyang suliranin ay lulubha pa lalo. Pabanguhin man ang Cha-cha sa pagsabi na ito ay makaliliha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino, ika nga ng isang BPO worker sa huling video: "Aanhin natin yung madaming oportunidad kung mababa lahat ang sahod?"Ngayon, nakalatag na lahat ng baraha sa mesa. Malapit na muling magkalat ng kahibangan ang pangulo sa madla at sa midya sa kanyang ikatlong SONA. Malapit na rin ang bulok na paligsahan ng mga pulitiko sa 2025 Midterm Elections. Ngayon, may uusbong na isa pang tanong: "Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?"Panahon na ngayon para maningil at isulong ang interes ng nakararami.Ilang tanong para sa audience:1. Ano ang mga tumatak na video o isyu at bakit? Nauugnay ba ito sa mga sariling karanasan sa trabaho?
- Kung hindi maiugnay, itanong kung ano ba ang mga hinaharap na isyu sa paggawa.
2. Sa mga nabanggit na isyu, ano-ano na ang mga hakbang na ginawa bilang indibidwal man o bilang bahagi ng grupo?
- validate lang sa steps nila, emphasize SSP
3. Naiisip ba ang dahilan kung bakit ito nararanasan sa trabaho?
- Tulungang maidugtong sa impe ang kanilang laban.
4. Paano kikilos ngayong People's SONA 2024?